HINDI ISASAMA? | Manny Pacquiao, wala pang desisyon kung isasama sa listahan ng trainer si Coach Freddie Roach

Manila, Philippines – Sinabi ngayon ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na
wala pa siyang kinukuhang chief trainer para sa kaniyang darating na laban
kontra sa Argentinian boxer na si Lucas Matthysse.

Ito ang naging sagot ni Pacquiao sa mga tanong kung bakit hindi niya na
kinuha si Hall of Famer Coach Freddie Roach na magsasanay sa kanya sa
darating nitong laban sa June 24 sa Malaysia.

Ayon kay Pacquiao, hindi pa final ang listahan ng mga makakasama niya
bilang trainer kung saan inuuna muna daw niya ang promotion sa nasabing
laban bago ang ensayo.


Una nang sinabi ni Roach na ilang beses na niyang tinatawagan si Pacman
para tanungin kug anong plano nito pero hindi niya ito makontak.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments