HINDI ISUSUKO | Kamara, hindi natinag sa survey kontra cha-cha

Manila, Philippines – Hindi isusuko ng liderato ng Kamara ang isinusulong na Charter Change (Cha-cha) sa bansa sa kabila ng survey na nagpapakita na maraming Pilipino ang hindi pabor sa pag-amyenda sa konstitusyon.

Ayon kay House Deputy Speaker Gwendolyn Garcia, buo pa rin ang suporta nila sa federalism na plataporma ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nangako si Garcia na paiigtingin pa nila ang public information dissemination upang ma-educate ang sambayanan ukol sa isinusulong na pederalismo.


Paliwanag nito, naka depende ang survey sa partikular na mode kung kailan ito isinagawa bukod pa sa madalas na pagpapalit ng opinion ng publiko.

Gayunman, umaasa ang Visayan Solon na tatanggapin ng publiko ang isinusulong na federalism.

Facebook Comments