HINDI ITINULOY | Pag-iisyu ng tseke sa mga naaprubahang loan at claim sa SSS, pansamantalang natigil

Manila, Philippines – Pansamantalang naudlot ang pag-iisyu ng Social Security System (SSS) ng tseke para sa mga naaprubahang loan at claim.

Ito ay matapos masira ang kanilang eksklusibong printer.

Ayon kay SSS Spokersperon Luisa Sebastian – hindi sila gumagamit ng ibang printer para masigurong hindi mapeke ang mga dokumento.


Aniya, nag-iisa lamang ang printer na ginagamit ng ahensya sa pag-isyu ng tseke para sa salary loan, mga death, disability, retirement, sickness, at maternity claim.

Umabot sa higit 100 ang mga naapektuhang miyembro pero agad namang naayos ng SSS ang problema at naibalik din sa normal ang operasyon.

Facebook Comments