HINDI ITITIGIAL | Mga personalidad na sangkot sa kontrobersiya ng Dengvaxia, kakasuhan ng Public Attorney’s Office

Manila, Philippines – Sasampahan ng kaso ng Public Attorney’s Office (PAO) ang mga personalidad na sangkot sa kontrobersya sa Dengvaxia Vaccine.

Ayon kay PAO Chief Atty. Persida Rueda Acosta, hinihintay lang nila ang Histopathology ng unang batch ng kanilang sinuring mga batang nasawi matapos maturukan ng Dengvaxia.

Iginiit rin ni Acosta na hindi nila ititigil ang pagsasagawa ng autopsy sa mga bangkay na hinihinalang biktima ng Dengvaxia vaccine.


Aniya, makikinig lang sila sa mga utos ng kaukulang awtoridad tulad ng Department of Justice.

Facebook Comments