Manila, Philippines – Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines na hindi nila irerekomenda sa Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng unilateral ceasefire sa pagitan nang Communist Party of the Philippines – New People’s Army ngayong Christmas season.
Ito ay kahit na may panawagan ang ilang grupo partikular ang mga church leaders na isulong ang unilateral ceasefire sa pagitan ng CPP-NPA ngayong panahon ng kapaskuhan.
Ayon kay Acting AFP Spokesperson Marine Col. Edgard Arevalo, nanatili ang suporta ng AFP sa desisyon ng pangulo ng bilang Commander in Chief na huwag ng ipatupad ang ceasefire ngayong December.
Maging aniya si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay nagdesisyon na rin hindi rerekomenda ng ceasefire.
Paliwanag ni Arevalo posibleng magmalabis muli ang mga NPA kung ipatupad nila ang ceasefire ngayon Christmas season.