Manila, Philippines – Para kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, ang panukalang bangsamoro Basic Law o BBL ay isang patunay na hindi na kailangang palitan ng Federalismo ang kasalukuyang porma ng gobyerno.
Ipinaliwanag ni Drilon na sapat na ang BBL para mabigyan ng malawak na kapangyarihan ang bangsamoro region nang hindi binabago ang konstitusyon para bigyang-daan ang Federalismo.
Ipinunto pa ni Drilon, na hindi kailangan ang Charter change dahil hindi naman kailangang gawin sa buong bansa ang anumang ipapatupad ng BBL sa Bangsamoro Region.
Idinagdag pa ni Drilon na hindi na dapat palitan ang saligang batas para matiyak na matutuloy ang 2019 senatorial at local elections.
Facebook Comments