Manila, Philippines – Nanindigan si dating Senador at 2016 Vice Presidential candidate Bongbong Marcos na hindi kakandidato sa 2019 Senatorial Elections.
Sa kapihan sa Manila bay, sinabi ni Marcos na isusulong niya ang nasimulang election protest laban kay Vice President Leni Robredo.
Tatapusin aniya ang nasabing protesta na ilang buwan nang naabinbin sa Korte Suprema, tumatayong Presidential Electoral Tribunal o PET na dumidinig sa kanyang protesta.
Paliwanag ni Marcos na kung kakandidato siya sa Senatorial Elections ay mababalewala ang kanyang protesta at panalo sa 2016 Elections.
Kumpiyansa ang dating Senador na may naganap na anomalya noong 2016 National Election at patutunayan niya ito sa sambayang Filipino.
Facebook Comments