HINDI KAPIT-TUKO | SOJ Aguirre, handang iwan ang DOJ sakaling iutos ng Pangulo

Manila, Philippines – Naniniwala si Justice Secretary Vitallano Aguirre na
buo parin ang tiwala sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ng kalihim sa harap na rin ng balita na magkakaroon ng
balasahan o sibakan sa gabinete ng Pangulo dahil hindi kuntento si
Pangulong Duterte sa trabaho ng ilan niyang kalihim.

Lumutang din ang issue na si Aguirre ang sisibakin dahil na rin sa
pagkakabasura ng National Prosecution Service ng DOJ sa kaso nila Kerwin
Esponosa, Peter Lim at Pter Co na ikinagalit umano ni Pangulong Duterte.


Sa briefing sa Malacanang kanina ay sinabi ni Aguirre na nakausap niya si
Pangulong Duterte at wala aniya siyang naramdaman na wala na itong tiwala
sa kanya.

Wala din naman aniyang dahilan para siya ay magbitiw sa posisyon dahil wala
naman aniya siyang kasalanan.

Pero sakali aniyang maramdaman niya na wala nang tiwala sa kanya si
Pangulong Duterte ay agad siyang magbibitiw dahil hindi naman aniya siya
kapit sa posisyon.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments