Manila, Philippines – Hindi sususpendihin ang prangkisa ng partas bus na nasangkot sa aksidente na ikinamatay ng 20 tao sa Agoo, La Union.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), base sa mga paunang imbestigasyon ay hindi maituturing na kasalanan ng driver ng bus ang aksidente.
Ang jeepney na sinasakyan ng mga biktima ang lumihis sa daan na naging dahilan ng pagsalpok nito sa nakasalubong na partas bus.
Gayunman, tiniyak ng LTFRB na makikipag-ugnayan sila sa partas bus company kung anong tulong ang pwede nilang ibigay sa mga biktima.
Pero paglilinaw ng LTFRB, hindi ito obligasyon ng nasabing bus company.
Facebook Comments