‘HINDI KASING LALA, PERO DAPAT PANGUNAHAN’: PAGASA NAGBABALA SA POSIBLENG KAMPANTENG PUBLIKO SA KABILA NG MAS BANAYAD NA BANTA NG BAGYO SA 2025

Quezon City / Pangasinan — Bagamat mas banayad ang inaasahang mga bagyo ngayong taon kumpara noong 2024, binigyang-diin ng PAGASA at DOST na hindi ito lisensiya para maging kampante ang publiko at mga lokal na pamahalaan.

Sa isang forum sa Quezon City, sinabi ni PAGASA Deputy Administrator Mar Villafuerte na hindi kasing lala ang bagyong darating ngayong 2025, lalo’t wala na ang La Niña phenomenon na siyang nagpasimuno ng sunod-sunod na bagyong tumama sa Luzon noong Oktubre hanggang Nobyembre 2024.

Kinumpirma rin ito ni DOST Secretary Renato Solidum, na nagsabing, “On average, hindi ganun kalala… dahil walang La Niña.”

Para sa ilang local DRRM officers sa Pangasinan, ang mas banayad na forecast ay hindi dapat gamitin bilang excuse para bawasan ang pre-disaster efforts, bagkus, ito raw ay ‘golden opportunity’ upang ayusin ang mga matagal nang butas sa disaster response system ng mga LGU. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments