Manila, Philippines – Hindi kawalan sa panig ng pamahalaan ang resolusyon ni Manila RTC branch 17 Judge Marlo Magdoza-Malagar na pag-alis sa apat na pangalan sa petisyong ideklarang teroristang grupo ang CPP-NPA.
Ayon kay Justice sec. Menardo Guevarra, ang Ccommunist Party of the Philippines at New People’s Army ang pinadi-deklara ng pamahalaan na teroristang organisasyon at hindi ang mga indibidwal.
Inihayag pa ni Guevarra na ang respondent sa petisyon ay ang organisasyon at hindi ang mga nakalagay na pangalan na miembro ng nasabing organisasyon.
Sa July 27 resolution ng Manila RTC nakasaad na hindi party respondents Sina saturnino ocampo, rafael baylosis na unang naghain ng mosyon para ibasura ng korte ang nasabing petisyon na hindi pinagbigyan ng korte.
Pinatatanggal din ng Manila Regional Trial Court sa prosciption list ng DOJ ilang indibidwal na idinadawit ng kagawaran sa listahan ng mga nais nitong ideklarang mga teroista.
Iniutos na kanselahin o bawiin ng DOJ ang summon kina Saturnino Ocampo at Rafael Baylosis sa kadahilanang hindi naman partido sa kaso o petisyon ng DOJ ang dalawa.
Bukod kina ocampo at baylosis, Pinaboran din ng Korte ang mosyon nina Jose Melencio Molintas at Victoria Lucia Tauli-Corpuz na malinis ang kanilang pangalan bilang mga respondent at idineklara din ng korte na hindi sila mga partdido sa petisyon ng DOJ.