Manila, Philippines – Inamin ng Department of Finance sa pagdinig ng Kamara na hindi kakayaning makipag-kumpetensya ng Pilipinas sa ibang bansa pagdating sa rice production.
Paliwanag ni D-O-F Usec. Karl Chua, ito ay bunsod na rin ng natural condition tulad ng mga bagyong dumadaan sa bansa.
Ayon naman kay AKO BICOL Partylist Rep. Rodel Batocabe, sa kabila ng pagbibigay ng subsidiya ng gobyerno sa mga magsasaka ay hindi pa rin ito sapat para tumaas ang rice production.
Samantala sa ibang bansa mayroon silang natural advantage tulad ng natural irrigation.
Sa tala ng DOF P119 billion pesos ang nailaan ng ahensya na subsidya para sa rice production.
Isa sa nakikita ng gobyernong alternative na tulong para sa magsasaka ay ang isinusulong na rice tariffication.
Suhestiyon ni Batocabe na itigil na ang subsidya para sa rice sector kung hindi naman ma-i-improve ang rice production.
Tutol naman dito si Ways and Means Committee Chairman Dakila Cua.
Giit ni Cua, kailangan tulungan ng gobyerno ang mga magsasaka kaya naman nag shift ang gobyerno sa pag import ng bigas para pumasok ang murang presyo ng bigas sa bansa.