Manila, Philippines – Tahasang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi kayang pamunuan ni Vice President Leni Robredo ang bansa.
Ito ang sinabi ng Pangulo sa harap narin ng pahayag ni Robredo na handa siya na pagisahin ang mga nasa oposisyon at pamunuan ito.
Ayon kay Pangulong Duterte, hindi kaya ni Robredo na magpatakbo ng bansa dahil incompetent ang pangalawang Pangulo.
Sinabi din ni Pangulong Duterte na hindi siya magbibitiw sa posisyon dahil magiging Presidente si Robredo at ang kanyang mga nauna nang pahayag ay para sa mamamayan na pumili ng mga bagong opisyal ng Pamahalaan.
Sinabi ng Pangulo, sa oras na maaprubahan ang transition government ay iminumungkahi niya sa kongreso at sa consultative commission na maging co-terminus ang kanyang termino sa 1987 constitution.
Sa oras aniya na maipatupad na ang federal constitution ay dapat maging bakante ang Office of the President pero kailangang magkaroon ng halalan para magkaroon ng pinuno ang bansa at hindi maaari ang succession dahil gusto niya na pumili ang taumbayan ng lider sa bagong Gobyerno.