Manila, Philippines – Hindi umano kakayanin ng mga gusali sa bansa laluna ng mga high rise buildings ang posibleng maging epekto ng malakas na paglindol o ang tinatawag na the Big One .
Sa isang news forum sa QC, sinabi ni dating Senador Nikki Coseteng na karamihan ng mga developers at building owners ay gumamit ng Quenched Tempered Steel na isang mababang uri ng bakal.
Hinikayat niya ang Duterte administration na i-recall ang Quetch temple steel bars na grade 60 na nasa mga jobsite pa, nasa bodega upang hindi magamit upang makaiwas sa pagkakaroon ng substandard na mga gusali.
Anya, oras na maipagkaloob ng DILG ang mga ulat ng mga local officials sa status ng mga gusali sa kanilang lugar ay madalian nang malalaman kung kailangan pang matirahan o magamit ang mga gusali na naitayo sa nakalipas na 10 taon.
Wala din aniyang aksyon ang noon ay Kalihim ng Department of Trade and Industry nang ihain nila ang ang report ng JICA at ni Engr Emilio Morales na nagsagawa ng pag aaral dito at nagsabi sa banta sa buhay sa paggamit ng Quenched tempered steel.