Manila, Philippines – Hindi kinatigan ng Dept of Justice pag-forfeit ng Bureau of Immigration sa missionary visa ni Sister Patricia Anne Fox.
Ayon kay Justice sec. Menardo Guevarra,bagamat sa ilalim ng Philippine Immigration laws may kapangyarihan ang BI sa pag-regulatesa pagpasok at pananatili sa bansa ng mga dayuhan, ang visa forfeiture aniya ay hindi sakop ng powers ng kagawaran.
Sa nasabing resolusyon, inatasan ni Guevarra ang Bureau of Immigration na muling pag-aralan ang kaso ni Sister Fox at ang mga ebidensya laban sa kanya para sa posibleng visa cancellation.
Aniya, visa cancellation ang dapat na ginawa ng BI sa kaso ng Australian missionary at hindi visa forfeiture
Inatasan din ni Guevarra ang Bureau of Immigration na ipagpatuloy ang pagdinig sa visa cancellation at deportation cases laban kay Sister Fox
Una nang nagpalabas ang BI ng visa forfeiture order laban kay Sister Fox matapos itong sumali sa mga kilos protesta ng mga militanteng grupo na naging dahilan ng pagdulog sa DOJ ng Australian missionary.