HINDI KINONTRA | Mga imbestigasyon sa anti-tambay campaign, welcome sa Malacañang

Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ng MalacaƱang ang anumang imbestigasyon na gagawin ng Senado at ng Kamara patungkol sa kautusan ng Pangulo laban sa mga Tambay o ang Anti-Tambay Campaign ng Pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, lahat naman ng imbestigasyon ay katungkulan ng dalawang kapulungan ng kongreso lalo na kung ang mga ito ay bubuo ng batas para sa mas mabuting implementasyon ng mga nais makamit ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi din naman ni Roque na welcome din sa kanila ang anomang petisyon na isasampa sa Korte Suprema patungkol sa kampanya ng Administrasyon kontra sa mga tambay.


Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte na handa niyang ipahinto ang kanyang kautusan kung sasabihin ng Korte Suprema na unconstitutional ang kanyang utos na sitahin ang mga tambay at pauwiin ang mga ito sa kanilang mga bahay.

Facebook Comments