HINDI KONTROLADO | PNP, walang magagawa sa muling paggamit ng cellphones ng mga inmates sa Bilibid

Manila, Philippines – Hindi kontrolado ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) ang buong compound ng New Bilibid Prison (NPB).

Ito ang sagot ni PNP Chief Ronald Dela Rosa matapos ang pahayag ni SAF Deputy Director Chief Superintendent Dennis Basngi na araw-araw ay may nakukuha pa rin silang mga cellphones na nagagamit sa iligal na transaksyon ng mga inmates.

Ayon kay PNP Chief Police Director Ronald Dela Rosa tanging maximum compound at building 14 ng NBP ang binabantayan ngayon ng PNP-SAF.


Paliwanag ni Dela Rosa ang problema aniya sa NBP mahigpit sa pinaka-entrance ng NBP pero sa gilid nito ay may mga nakakadaang sibilyan na anumang oras ay pwede ihagis ang telepono sa mga inmates.

May nakatayo raw kasing housing settlement sa gilid nito kaya hindi maaring ipagbawal sa mga sibilyan na dumaan sa gilid na ginawa nang right of way.

Para kay Dela Rosa mas gugustuhin nyang walang sibilyan dumadaan sa gilid ng NBP Compound at walang housing settlement upang walang naipapasok na anumang kontrabando.

Facebook Comments