Hindi lahat ng lungsod sa Metro Manila, ipagbabawal ang paputok

Hindi lahat ng Local Government Units (LGUs) sa Metro Manila ay ipagbabawal ang lahat ng uri ng paputok ngayong holiday season, ang iba ay nais lamang na i-regulate ang paggamit nito.

Ang mga siyudad ng Valenzuela, Marikina, Navotas, Parañaque, Muntinlupa, Quezon City ay nagpasa na ng ordinansa na nagbabawal ng paputok sa kanilang lokalidad.

Ang lungsod ng Mandaluyong ay planong i-regulate lamang ang paggamit ng paputok.


Sa San Juan, ipagbabawal ang fireworks displays ngayong taon.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, mahalagang sumunod sa mga ordinansa ng bawat LGUs dahil may mga kaakibat itong parusa.

Bago ito, sinabi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Brigadier General Vicente Danao na nagpasa ng resolusyon ang Metro Manila mayors na ipagbawal ang paggamit ng paputok.

Sinabi naman ni PNP Chief Police General Debold Sinas na nakatakda pa lamang niyang tanggapin ang resolusyon mula sa mga alkalde.

Facebook Comments