Manila, Philippines – Nilinaw ni House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi naman lahat ng mga kongresista mula sa oposisyon ay zero ang budget sa infrastructure projects.
Paliwanag ni Alvarez, may ilang kongresista ang tinapyasan lamang ang pondo para sa imprastraktura pero hindi naman zero ang budget.
Sinabi nito na hindi rin sa lahat ng pagkakataon ay makukuha ng mga mambabatas ang kanilang gusto.
Dagdag naman ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas, hindi naman kasama sa sinasabing 24 na mga kongresista na inalisan ng pondo sa infrastructure ang MAKABAYAN bloc dahil wala namang distrito ang mga ito.
Paliwanag ni Fariñas, dahil nasa 24 ang ga taga oposisyon sa Kamara, maaaring opinyon na lamang ng ibang mga kongresista ang pagkakasabing lahat ng nasa oposisyon ay inalisan ng pondo.
Mababatid na maging si Budget Sec. Benjamin Diokno ay nauna na ring sinabi na mas mataas ang pondo para sa mga kaalyado pero hindi naman ma-ze-zero budget ang mga nasa oposisyon.