World – Nagbabala ang mga eksperto sa mga komplikasyon na pwedeng idulot ng pagpapaputi ng pribadong parte ng katawan ng lalaki.
Nauuso kasi sa isang klinika sa Bangkok, Thailand ang laser whitening kung saan karamihan sa mga customer ay miyembro ng LGBT community.
Ayon sa mga eksperto, posibleng hindi ligtas itong gamitin at maaring magdulot ng pagkasunog o pagtigas ng balat, o di kaya’y mas maitim na ari.
Ang mga produktong ginagamit umano ngayon sa serbisyo ay para sa pagpapaputi ng balat sa katawan at mukha.
Sa ngayon, wala pang produktong nalilikha para sa pagpapaputi ng sensitibong parte ng katawan.
Facebook Comments