Manila, Philippines – Itinuturing na ‘Deadliest Country for Journalist’ sa Asya ang Pilipinas.
Ito ang lumabas sa annual report ng media watchdog na *‘*Reporters without Borders’.
Base sa report, apat sa limang journalist ang napatay sa bansa ngayong taon.
Bukod sa Pilipinas, kabilang din sa listahan ang mga bansang Syria, Mexico, Afghanistan at Iraq sa mga pinakadelikadong bansa para sa mga mamamahayag.
Sa kabuhuang datos, nasa 1,035 professional journalist ang pinatay worldwide sa loob ng nagdaang 15 taon kung saan 65 rito ay naitala ngayong taon.
Sa pinakahuling World Press Freedom Index na inilabas nitong Abril, ang Pilipinas ay umangat ng 11 pwesto mula sa dating 138 spot ay naging 127.
Facebook Comments