Manila, Philippines – Iginiit ni Senator JV Ejercito sa Philippine National Police o PNP na huwag gamiting lisensya ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte para hayaan na muling tumaas ang kaso ng patayan at paglabag sa karapatang pantao.
Pahayag ito ni Ejercito sa harap ng plano ni Pangulong Duterte na ibalik sa PNP ang implementasyon ng war on drugs.
Diin ni Ejercito, ang PNP ay isang organisasyon ng mga matuwid na indibidwal na may paggalang at pagpapahalaga sa karapatan at dignidad ng sangkatauhan.
Pakiusap ni Ejercito sa mga kasapi ng Pambansang Pulisya, maging tapat sa kanilang tungkulin na pagsilbihan ang mamamayan at ipatupad ang itinatakda ng batas ng walang pinapaboran.
Facebook Comments