Pinadlock na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang Belmün Consultancy Firm sa Makati City dahil sa iligal na pag-recruit sa Filipino workers para magtrabaho sa mga pabrika sa Poland.
Ayon sa DMW, pinalalabas ng Belmün na sila ay “Global Migration Training” at nagre-recruit ito ng mga Pinoy na pinadadala sa Poland kahit wala itong balidong DMW license.
Nagsagawa rin ng surveillance operations ang DMW Migrant Workers Office sa Prague (MWO-Prague) at doon nga nakumpirmang iligal ang operasyon nito.
Nabatid na hinihingian din nito ng P165,000 ang kanilang mga recruit para sa pagproseso ng mga dokumento.
Hinihimok naman ng DMW ang mga nabiktima ng Belmün na makipag-ugnayan sa kanila para sa pagsasampa ng kaso.
Facebook Comments