Manila, Philippines – Hindi maapektuhan ang imahe ng Armed Forces of the Philippines sa kabila ito ng nadiskubreng dalawang insidente ng anomalya sa kanilang hanay.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo, isolated cases lamang aniya ang mga insidenteng ito at hindi ka makakasira sa reputasyon ng organisasyon.
Hindi rin aniya ito nagre reflect sa pagkatao ng AFP chief of staff, officers at lahat ng tauhan ng AFP.
Paliwanag pa ni Arevalo ang dalawang nadiskubreng insidente ng anomalya ay patunay na pinapahalagahan ng AFP ang tiwala ng taong bayan at hindi nila kokonsintihin ang anumang uri ng korapsyon.
Ang pagiging transparent aniya at pagpaparusa sa mga nasasangkot sa katiwalian ay inaalay nila sa mga kasamahan nilang nagbubuwis ng buhay para sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
Matatandaang nitong nakalipas na araw sinibak sa serbisyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang military officials matapos madiskubre ang anomalya sa pagbili at pagdeliver ng mga medical equipments sa V Luna medical center.
At ang pagkakasibak rin sa dating PMA Comptroller dahil sa pagkawala nito ng 15 milyong pisong pondo.