Manila, Philippines – Posibleng ipatupad rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deployment ban ng mga Pinoy worker sa ibang bansa.
Ayon sa pangulo, ito ay dahil sa hindi maayos na pagtrato sa mga manggagawa Pinoy.
Muli rin siyang nakiusap sa Kuwait at iba pang bansa sa middle east na tratuhing may dignidad at respeto ang mga Overseas Filipino Worker.
Sinabi ni Duterte na nakahanda ang Department of Trade and Industry na magbigay ng livelihood assistance sa mga babalik na OFWs.
Ipinatupad ng pamahalaan ang ban sa pagpapadala ng mga OFW sa Kuwait, kasunod ng pagkamatay ng pitong pinoy doon na patuloy pang iniimbestigahan.
Kabilang dito ang kaso ni Joanna Demafelis, na nakita ang bangkay sa freezer.
Facebook Comments