HINDI MAGANDA | DepEd, hindi pabor na suspindihin ang pagpapatupad ng TRAIN law

Manila, Philippines – Naniniwala ang Department of Education na hindi magiging maganda ang resulta kung sususpiondihin ng Pamahalaan ang pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAN Law.

Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na hindi ang TRAIN Law ang dahilan ng paglobo ng Inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa kundi ang mabilis at malaking pataas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa world market.

Sinabi ni Briones na ginagawa na ng Pamahalaan ang lahat ng paraan para makatulong sa mga mahihirap.


Naniniwa din ito na magkakaroon ng problema kung hindi aaprubahan ng kongreso ang iba pang packages ng TRAIN law na isusumite sa Kongreso dahil posibleng kulaingin ng pondo ang Pamahalaan sa pagpapatupad ng mga proyekto at ipagpatuloy ang pagtulong sa mga mahihirap nating kababayan.
Mayroon aniyang kaunting solusyon at ito ay mangutang ang Pamahalaan pero mas lalaki pa ang gastos ng pamahalaan dahil magbabayad pa ito ng interes sa mga inutang na pondo.

Binigyang diin ni Briones na mas malaking sakripisyo sa mga Pilipino ang pagbabayad ng utang tulad nalang noong dekada 80.

Facebook Comments