Hindi maganda sa imahe ng Mindanao ang muling pagpapalawig ng Martial Law sa rehiyon
Ito ang pahayag ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa harap ng posibilidad na Martial Law extention kasunod ng nangyaring pambobomba sa Sultan Kudarat.
Sa isang interview, sinabi niyang tutol siya sa mungkahing ito dahil posibleng isipin ng international community na hindi kontrolado ang peace and order sa Mindanao.
Naniniwala si Bishop Bagaforo na kayang resolbahin ng pnp ang banta sa seguridad sa rehiyon.
Kasabay nito, nagpahayag ng pakikiisa at panalangin ang obispo para sa mga biktima ng pagsabog.
Una rito, ilang mambabatas na rin ang nagsabing hindi na kailangang palawigin pa ang batas militar sa Mindanao.
Facebook Comments