Pasay City – Binigyang diin ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon na apat na beses na niyang naranasan ang makulong kaya hindi na sya takot na malipat sa Pasay City Jail mula sa detention cell ng Senado.
Napirmahan na ni Senate President Koko Pimentel ang order para ilipat si Faeldon sa Pasay City Jail.
Ngayon ay nakikipag-uganayan na ang Senate Sergeant At Arms sa Pasay City Jail.
Ayon kay Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon, ang paglilipat kay Faeldon ay napagkasunduan ng mga Senador sa caucus ngayong hapon.
Pangunahing aniyang rason, ay ang hindi magandang asal at pagmamalaki pa ni Faeldon sa hindi niya pagsunod sa pagpapaharap sa kanyang ng Senado sa pagdinig ukol sa tara system at paglusot ng 6.4 billion pesos na shabu mula sa China.