Hindi magandang pananalita ni VP Sara laban sa administrasyon, pinuna ng dalawang lider ng Kamara

Hindi pinalampas ng dalawang lider ng Kamara ang anila’y hindi magandang salita na ginamit ni Vice President Sara Duterte ng sabihin nito na walang alam ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Giit ni House Assistant Majority Leader at Manila Representative Ernix Dionisio, dapat panatilihin ng mga opisyal ng pamahalaan ang tamang asal at pagrespeto sa kapwa.

Dagdag pa ni Dionisio, walang lugar sa lipunan ang mga negatibong salita at “name-calling.”

Si House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong naman ay hindi na nagulat sa salitang ginamit ni VP Sara pero kanyang binigyang-diin na anumang sabihin ng isang government official ay sumasalamin sa pinagsisilbihang opisina o ahensiya.

Facebook Comments