HINDI MAGBABAGO | Price monitoring ng DTI, nagpapatuloy – mga suggested retail price tinutukan

Manila, Philippines – Hindi na magbabago pa ang kasalukuyang presyo ng mga noche buena product sa buong panahon ng kapaskuhan.

Ito ang tiniyak ni Department of Trade and Industries Usec. Ted Pascua kasunod ng nagpapatuloy na price monitoring na isinasagawa ng DTI Fair Trade Enforcement Bureau.

Bukod dito, nagsimula na rin sila sa pag-inspeksiyon ng ilang supermarket na nagbebenta ng mas mababa pa sa Suggested Retail Price o SRP.


Nagbabala naman si Pascua sa sinumang tindahan na nagbebenta ng mas mataas sa inilabas na SRP na mananagot sa ilalim ng republic act 7581 o ang Price Act of the Philippines.

Pinayuhan din ng DTI ang mga mamimili na bilhin na ang mga kayang bilhing produkto habang maaga pa.

Facebook Comments