HINDI MAGRERESIGN | Assistant Secretary Uson, hindi parin nagbibitiw – ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Inihayag ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na wala siyang natatanggap na resignation letter mula kay Assistant Secretary Mocha Uson.

Ito ang sinabi ni Andanar matapos lumabas sa balita na nagbitiw umano si Uson sa kanyang posisyon.

Una naring sinabi ni Andanar, hindi niya maaaring pangunahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsibak kay uson dahil ito ang appointing authority o ang nagtalaga kay Uson.


sinabi naman ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na wala siyang natatanggap na ganitong impormasyon at saklaw aniya ito ng Presidential Communications Operations Office at hindi sa kanyang tanggapan kaya mas magandang si Andanar nalang ang sumagot dito.

Facebook Comments