Manila, Philippines – Humingi ng tawad sa publiko ang ama ng nawalang dalagitang si Ica Policarpio na si Atty. Rufino Policarpio dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nila maibigay ang tunay na dahilan ng pagkawala ng anak.
Ayon kay Rufino, hindi maipaliwanag ng kaniyang anak kung paano siya nakarating sa Laguna at kung bakit niya iniwan ang gamit sa coffee shop kung saan siya huling nakita.
Dahil dito, pumayag itong isailalim ang anak sa psychological evaluation ng National Bureau of Investigation (NBI).
Iginiit naman nito na walang kinalaman ang pagkawala ni Ica sa nababalitang “48 hour challenge,” kung saan sadyang nagtatago ang mga bata para mapansin sa social media.
Una nang ipinahayag ni Bea, kapatid ni Ica, na dulot ng “deep emotional distress” ang pagkawala ng dalagita.
Nangako ang pamilya Policarpio na patuloy silang makikipag-ugnayan sa NBI para matuldukan ang kaso.
Matatandaang nawala ang 17-anyos na si Ica noong Huwebes, Disyembre 21 sa Muntinlupa at nahanap noong Linggo sa San Pablo, Laguna.
HINDI MAIPALIWANAG | Ama ni Ica Policarpio, humingi ng tawad sa publiko
Facebook Comments