HINDI MAITUTURING | Naga City, hindi maikokonsiderang hotbed ng shabu – ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde

Manila, Philippines – Hindi pa maituturing na hotbed ng shabu ang Naga City ito ay kung ang tatanungin ay si PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde.

Paliwanag ni Albayalde hindi nya alam kung ano ang pinagbatayan ng Pangulo para masabing hotbed ng shabu ang Naga City.

Kung ang rekord aniya ng PNP ang titingnan, may mga nakakapasok na droga sa buong Bicol Region partikular aniya sa bahagi ng Camarines Sur kung saan kamakailan ay nakita ang mga containers na palutang lutang sa dagat na may mga lamang iligal na droga.


Mayroon aniyang mga transaksyon ng iligal na droga sa Naga City pero hindi sila ang pinagkukunan o pinagmumulan ng droga.

Matatandaang sa isang speech ng Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City inihayag nitong hotbed ng shabu ang Naga city.

Facebook Comments