HINDI MAKAKASAMA | Mga bibitbiting police at military officials ni Pangulong Duterte sa Israel, may bukod na aktibidad – Ayon sa DFA

Manila, Philippines – Inihayag ng Department of Foreign Affairs na hindi makakasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga aktibidad ang mga retiring police at military officials na bibitbitin niya sa Israel.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Ernesto Abella, mayroong ibang lakad ang mga military at police officials na umaayon sa kanilang mga expertise.

Naniniwa si Abella na mayroong inaayos na aktibidad ang Philippine Embassy sa Israel para sa sariling programa ng mga retiring officials.


Hindi naman binanggit ni Abella kung anong partikular na aktibidad ang dadaluhan ng mga opisyal at kung ilan at kung sino sino ang makakasama ng Pangulo papunta ng Israel.

Facebook Comments