‘HINDI MAKATAONG TRATO’ | Faeldon, idinaing ang kalupitan umano ni Senator Gordon

Manila, Philippines – Idinaing ngayon ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon ang kalupitan, at hindi makataong pagtrato sa kanya ni Senator Richard Gordon na siyang Chairman ng Blue Ribbon Committee.

Nakasaad ito sa isang press statement na ipinost sa twitter ng legal team ni Faeldon.

Pangunahin sa mga reklamo ni Faeldon ang hindi pagpapahintulot ni Senator Gordon na makasama niya ang kanyang mga mahal sa buhay nitong Bagong Taon.


Hindi rin aniya pinayagan ni Gordon ang kanyang presensya sa pagsilang ng kanyang buong anak.

Sabi ni Faeldon, ipinagkait din ni Gordon ang kanyang karapatan na magpatingin sa kanyang cardiologist kahit pa naospital siya noong August 2017 dahil sa sakit sa puso.

Pati aniya karapatang may kaugnayan sa kanyang relihiyon ay ipinagkait din.

Ikinasama din ng loob ni Faeldon na hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Senator Gordon na makapanumpa kay Defense Secretary Delfin Lorenzana at Undersecretary Jalad bilang Deputy Commissioner ng Office of the Civil Defense.

May impormasyon si Faeldon na ang nabanggit na hakbang ni Gordon laban sa kanyang ay bilang pagsunod sa mga hiling ni Senator Panfilo Ping Lacson na inaakusahan niyang smuggler ng semento at naghihiganti sa kanya.

Tanong ni Faeldon, ano ang nangyari kay Senatir Gordon at katulad na ito nina Senators Lacson at Antonio Trillanes IV na may negatibong hakbang at pagtrato sa kanya.

Isiniwalat pa ni Faeldon ang banta ni Senator Gordon na tuluyang pagkakait sa karapatan niyang tumanggap ng bisita habang nasa detention facility ng Senado.

giit pa ni Faeldon, walang basehan ang pagkaditine niya sa Senado at patunay nito ang mga desisyon ng Department of Justice at Ombudsman na pabor sa kanyang panig.

Facebook Comments