“HINDI MAKATWIRAN” | Pagpapawalang bisa sa amnesty ni Trillanes, kinondena ni De Lima

Manila, Philippines – Kinokondena at mariing kinasusuklaman ni Senator Leila De Lima ang pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa amnesty na ipinagkaloob ni dating Pangulong Noynoy Aquino kay Senator Antonio Trillanes IV.

Diin ni De Lima, ang hakbang ni Pangulong Duterte ay mali, hindi makatwiran walang basehan at tunay na karimarimarim.

Ayon kay De Lima, malinaw sa records at sa mga media reports na natupad ni Trillanes ang mga kwalipikasyon para mabigyan ng amnestiya na kinabibilangan ng paghahain ng aplikasyon at pag-amin sa kasalanan.


Diin pa ni De Lima, pinagtibay ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang paggawad ng amnesty kay Trillanes.

Kaugnay nito ay hinikayat ni Senator De Lima ang mga kasamahan sa oposisyon na magpakatatag at laging manalig sa Diyos at sa bayan na matatapos din ang kadiliman at kawalang katarungang nagaganap ngayon.

Facebook Comments