Pinapa-imbestigahan ni Agri Party-list Rep. Wilbert Lee sa kinauukulang House Committee ang biglaang at hindi makatwirang pagtaas ng catastrophe insurance premium rates.
Inihalimbawa ni Lee ang insurance sa bahay, mga housing loan sa Pag-IBIG, sa GSIS, post-harvest facilities, agri machineries, fishing boats, dryers, mga storage, at pati ang Philippine Crop Insurance Corporation ay apektado.
Sa inihaing House Resolution No. 632 ay binigyang diin ni Lee na mahalagang matugunan ito agad dahil tiyak makaka-apekto ito sa mga negosyo sa Pilipinas at publiko.
Babala ni Lee, ang 40 hangang 400 percent increase sa insurance premium rates na planong ipatupad sa January 1, 2023 ay magdulot din ng pagtaas ng cost of basic commodities, dapat tatamaan nito ang manufacturing sector, damay din ang distribution, retail, pati na ang agrikultura.
Para kay Lee, hindi katanggap-tanggap ang masyadong mataas na premium rates na tiyak magiging dagdag na pasanin lalo na sa ating mga kababayan na unti-unting bumabangon mula sa pandemya kasama ang mga maliliit na negosyo.
Binanggit ni Lee na ilang organized business groups and private firms ang nagpahayag ng matinding pagtutol dito dahil hindi sila nakonsulta.