Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na ayaw talaga ni Pangulong Rodrigo Duterte na manatiling Presidente ng bansa sa oras na ito ay sumailalim sa transition government para sa pagbabago ng porma ng gobyerno patungo sa pederalismo.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, mismong si Pangulong Duterte ang humiling sa kanyang binuong Consultative Committee na isama ang probisyon na kung saan ay hindi siya maaaring umupo bilang transition President at kailangang maghalal ng mga bagong opisyal.
Binigyang diin ni Roque na ginawa ito ni Pangulong Duterte upang matiyak na hindi siya mabebenepisyuhan ng Charter Change at ganito din ang gustong makita ng Pangulo na gawin ng kanyang mga kaalyado.
Sa issue naman ng no election sa susunod na taon ay sinabi ni Roque na ang sabi ng Pangululo ay hindi siya manghihimasok dito pero kung magiging peoples initiative ang mananaig ay wala naman aniyang magagawa dito si Pangulong Duterte.