HINDI MAKIKISALI | ERC, Hindi makikialam sa non-renewal ng franchise ng Panay Electric Cooperative

Manila, Philippines – Walang nakikitang problema si Energy Regulatory Commission Chairman Agnes Devanadera sa sandaling magdesisyon ang House Committee on Legislative Franchise hindi i renew ang prangkisa ng Panay Electric Company o PECO.

Gayunman, dapat lamang tiyakin na walang magiging problema sa supply ng kuryente sa mga sineserbisyuhan ng PECO.

Kasunod naman ito ng ipinahiwatig ni Rep.Josef Alvarez, chairman ng committee na mas maraming kongresista ang hindi pumapabor na irenew pa ng panibagong 25 taon ang prangkisa ng PECO,ang electric utility ng Iloilo City.


Ito ay dulot na rin ng maraming reklamo ng mga consumer katulad ng palagiang brownout, overbilling at mahinang customer service.

Sinabi pa ni Devanadera na ang pagrefund ng sobrang binayad at pagbabalik sa bill deposit ay natugunan na rin ng ERC.

Kaugnay nito, umapela naman si Iloilo City Councilor Joshua Alim sa Kamara na silipin ang kanilang kondisyon sa lalawigan.

Nagsumite ito ng dokumento na naglalaman ng mahigit 30,000 lagda na tumututul sa patuloy na operasyon ng PECO.

Facebook Comments