Manila, Philippines – Hindi manghihimasok ang Department of Justice sa kasong libelo na kinakaharap ni Senator Antonio Trillanes IV sa Davao City Prosecutor’s Office.
Tiniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra, na hindi siya makikiaalam sa kaso laban kay Trillanes dahil nasa kamay na ng piskalya sa Davao City kung paano lulutasin ang kaso laban sa Senador.
Nagpaliwanag din si Guevarra hinggil sa timing ng pagpapawalang – bisa ng Amnesty na ibinigay kay Trillanes noong panahon ni dating pangulong Noynoy Aquino, na aniya ay nagkataon lamang.
Sadya lamang aniyang naging mapanirang ang mga sinasabi ni Trillanes sa nagbitiw na si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at bayaw na si Atty. Manases Carpio, asawa ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Matatandaang idinulog sa piskalya ng Davao City ang libel case laban kay Trillanes noong Setyembre 6 dahil sa sinasabing Extortion Activities sa Uber at iba pang uri ng transportasyon na kinasasangkutan ng anak ng pangulo na si Paolo at manugang na si Carpio.