Manila, Philippines – Hindi manghihimasok ang Palasyo ng Malacañang sa pagiimbestiga ng Office of the Ombudsman kay dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.
Matatandaan kasi na kinumpirma ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na iniimbestigahan nila ang isiniwalat ni Senador Antonio Trillanes IV sa issue ng yaman ng dating Vice Mayor ng Davao City.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, may kapangyahiran ang Office of the Ombdusman na imbestigahan ang mga opisyal ng Pamahalaan.
Paliwanag ni Roque, abilang ito sa mandato ng Ombudsman na ibinigay ng saligang batas para matiyak na magkakaroon ng public accountability.
Facebook Comments