HINDI MANGINGIALAM | Pangulong Duterte, hindi pipigilan ang HOV scheme ng MMDA sa EDSA

Manila, Philippines – Hindi pakikialaman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinatutupad na bagong regulasyon sa EDSA ng Metro Manila Development Authority o MMDA kung saan ipinagbabawal nito ang mga sasakyan na isa lang ang sakay na dumaan sa EDSA o ang High Occupancy Vehicle o HOV scheme.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi nagmamicro manage si Pangulong Duterte sa kanyang mga gabinete kaya hahayaan lang niya ang mga ito na gawin ang mga dapat na gawin basta legal o naaayon sa batas ang mga ito.

Sinabi din naman ni Roque na maganda ang hangarin ng MMDA sa kanilang ipinatutupad na regulasyon na para bawasan ang mga sasakyan sa EDSA.


Umapela nalang si Roque sa publiko na bigyan nalang ng pagkakataon ang MMDA dahil para naman ito sa lahat at tiniyak din nito na ginagawa ng pamahalaan ang mga dapat gawin para mahanapan ng solusyon ang problema sa traffic.

Facebook Comments