HINDI MANGINGIELAM | Pangulong Duterte, hands off sa gusot sa PDP Laban

Manila, Philippines – Hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa away sa loob ng kanyang partido na PDP Laban.

Ito ang sinabi ng Palasyo ng Malacanang matapos maglabas ng hinanakit ang Chairman ng National Council ng PDP laban na si Regelio Garcia laban kay House Speaker Pantaleon Alvarez kung saan kinukuwestiyon ni Garcia ang pagpasok umano sa partido ng ilang pulitiko na kabilang sa drug list ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, kahit pa Chairman ng PDP Laban ang Pangulo ay itinalaga na nito kay Senate President Koko Pimentel at Energy Secretary Alfonso Cusi ang operasyon ng buong partido.


Sinabi ni Roque na buo ang tiwala ni Pangulong Dutere sa mga opisyal ng kanyang partido at tiwala aniya sila na maaayos din ang gusot sa partido.

Facebook Comments