Manila, Philippines – Mas mabigat na daloy ng trapiko, asahan na ngayong kapaskuhan.
Asahan na ang mas matinding traffic dahil sa kabi-kabilang aktibidad ngayong kapaskuhan.
Ayon kay MMDA Assistant General Manager Jojo Garcia, hindi nila mapapagaan ang matinding traffic dahil hindi pa masolusyunan ang problema sa dami ng sasakyan at inaasahan na madadagdagan pa ito ng 20%.
Tipikal na kasi aniyang dumadayo sa Manila ang mga taga-Cavite, Laguna, Rizal, at Bulacan para mag-shopping at i-celebrate ang pasko at bagong taon.
Sinabi naman ni Garcia na walang pahinga ang 2,500 MMDA enforcers ngayong kapaskuhan.
Kahit kasi pasko, tuloy ang mga traffic scheme ng MMDA at ang hulihan sa mga traffic violation.
Bukod sa pagmamando sa traffic, tutulong din sila sa pag-ayos ng parking at seguridad sa mga mall.
Humingi na rin aniya sila ng ayuda sa mall owners para magdagdag ng personnel para mapadali ang security checks sa parking areas maging pagpasok sa loob ng mall, simbahan, at mga liwasan.