Manila, Philippines – Hindi ngayon masabi ng Palasyo ng Malacañang kung may kinalaman ba sa Red October Ouster Plot ang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Labor Undersecretary for Labor Relations Joel Maglunsod.
Ito ang sinabi ni Roque sa harap narin ng mga usap-usapan na bahagi si Maglunsod ng Red October ouster plot na isinusulong naman ng rebeldeng Communist Party of the Philippines, New Peoples Army, national Democratic Front o CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, wala siyang alam kung may kinalaman ito sa Red October plot at si Pangulong Rodrigo Dutrete lang aniya ang may access sa mga ganitong impormasyon.
Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte na magkakaroon ng crackdown sa mga magsasagawa ng kilos protesta o mga Labor strikes na may kaugnayan aniya sa Kilusang Mayo Uno na una nang kinaaniban ni Maglunsod.
Paliwanag ni Roque, ayaw ni Pangulong Duterte ng mga Labor Strikes dahil nagkakaroon ito ng epekto sa ekonomiya ng bansa.
Wala namang masabi si Roque kung mayroon nang papalit kay Maglunsod sa posisyon.