Manila, Philippines – Hindi malaman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) kung dapat bang paniwalain ang pagpabor ni Pangulong Rodrigo Duterte sa same-sex marriage.
Ayon kay CBCP Permanent Committee for Public Affairs Executive Secretary, Fr. Jerome Secillano – paiba-iba ang pahayag ng Pangulo pero handa aniya ang Simbahang Katoliko na maging bahagi sa diskusyon sakaling talakayin ng Kongreso ang pagpayag sa same-sex marriage.
Nakasaad aniya sa doktrina ng simbahan maging sa konstitusyon at family code ng Pilipinas na babae at lalaki lamang ang dapat magpakasal.
Umaasa si Secillano na hindi matitinag ang Pilipinas kahit dumarami na ang mga bansang nagpapahintulot nito.
Facebook Comments