HINDI MATATAKOT | PNP Chief Dela Rosa, hinamon si CPP founding Chair Joma Sison sa banta nitong pagpatay ng sundalo kada araw

Manila, Philippines – Hinamon pa ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald Dela Rosa si Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Joma Sison na gawin ang kanyang bantang pumatay ng isang sundalo kada araw.

Sagot ni Dela Rosa kay Sison hindi nya na kailanman matatakot ang hanay ng PNP maging ang mga sundalo.

Dahil naubos na raw ang kanilang takot sa mga banta ng mga kalaban.


Sa ngayon pinahihintay ni PNP Chief ang CPP NPA sa ginagawa nilang paghahanda sa mga pag-atake.

Dahil sa mga susunod aniyang mga panahon ay magkakaroon sila ng mga armas na may kakayaning tapatan ang mga umaatakeng kalaban sa mga police station.
Matatandaang idineklara ng terorista ng pamahalaan ang New People’s Army (NPA) dahil sa terrorist activities na kanilang ginagawa.

Facebook Comments