Kinilala ni Pangulong Fedinand Marcos Jr., ang hindi matatawarang kontribusyon ng namayapang si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan “Toots” Ople sa bansa lalo na sa kapakanan ng Overseas Filipino Workers o OFWs.
Sa eulogy ng pangulo sa ginawang necrological service, halos maiyak ang Pangulong Marcos dahil hindi lang kasi aniya katrabaho ang turingan nila ni Ople sa isa’t isa matapos ang ilang taong pagkakaibigan.
Ayon pa sa pangulo, hindi na mapapalitan ang isang Toots Ople sa kung paano ito magtrabaho pero maghahanap siya ng taong kasing galing ng kalihim para mamuno sa DMW.
Ang passion at compassion ni Secretary Ople para sa mga OFW ayon sa mga pangulo ay hindi matatawaran.
Nalulungkot ang pangulo para sa mga Pilipino lalo na para sa mga Pilipino abroad dahil sa pagpanaw ni Secretary Ople.
Samantala, simula kaninang ala-1:00 hanggang alas-5:00 mamayang hapon ay magkakaroon ng public viewing sa palasyo ng Malakanyang para sa labi ni Secretary Ople.