Manila, Philippines – Kumbinsido si Senate Minority Leader Franklin Drilon na daan para sa kapayapaan at katatagan ng Mindanao ang bersyon ng Bangsamoro Basic Law o BBL na inaprubahan ng bicameral conference committee.
Pero duda si Drilon na matutugunan ng BBL ang palpak na pamamahala sa Bangsamoro Region na ugat aniya ng matagal ng sigalot at kahirapan dito.
Tinukoy ni Drilon na dahilan ang kawalan ng anti-dynasty provision sa proposed BBL na katulad sana ng nakapaloob sa Sangunian Kabataan Law.
Sinabi ni Drilon na bunsod nito ay mapapasakamay lang ng ilang pamilya ang kinabukasan ng Bangsamoro Region.
Idinagdag pa ni Drilon, na dahil dito ay tila napawalang saysay din ang iba pang probisyon sa BBL na nagsusulong ng good governance sa Bangsamoro Region.