Manila, Philippines – Wala munang hulihang magaganap sa loob ng isang linggo kasunod ng pagpapatupad ng High Occupancy Vehicle (HOV) Lane sa kahabaan ng EDSA.
Ayon sa MMDA dry run muna kasi ang kanilang ipatutupad sa loob ng isang linggo.
Ibig sabihin, pagsasabihan muna ang mga lalabag sa HOV lane.
Pero tuloy ang monitoring ng MMDA sa kanilang metro base at pag aaralan narin kung papaano mas magiging epektibo ang gagawin nilang panghuhuli sa pamamagitan ng no contact apprehension policy.
Ilan kasi sa nakikitang problema ngayon ng MMDA ay ung mga sasakyan na heavily tinted.
Ang HOV Lane ay para sa mga pribadong motorista na mayruong 2 o higit pang sakay .
Bibigyan din sila ng privilege passes sa leftmost lane ng EDSA o yung linya katabi ng MRT.
Sinumang gagamit ng HOV lane na mag isa lamang sa sasakyan ay huhulihin sa pamamagitan ng no contact apprehension policy at pagmumultahin ng P500
Maaaring gamitin ng motorcycle riders ang HOV Lane bukod pa sa itinatakdang motorcycle lane habang ang mga private car drivers na walang companion ay maaaring gamitin ang motorcycle lane (2nd) at third lane mula sa MRT.